AAKAYIN KITA ● Kung ikaw ay hirap kumilos bunga ng iyong disabilidad, hindi ba napakaginhawa kung ang pasilidad na iyong iniikutan ay nakahanda para umalalay sa lahat ng iyong pangangailangan? Sa Bulacan, upang matiyak na makakikilos nang maayos at mapagsisilbihan nang mabuti ang mga Bulakenyong may kapansanan tuwing bibisita sila sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, personal na ininspeksyon ni Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado ang mga daan, mga bakal na hawakan na nagsisilbing alalay sa daanan at iba pang pasilidad sa kapitolyo at sa Bulacan Medical Center kamakailan. sinabi ni Alvarado na masaya siyang ipahayag na ang Bulacan ay nakasunod sa mandato ng Republic act 7277 na mas kilala bilang Magna Carta for Persons With Disabilities (PWD). ayon sa gobernador, isinasaad ng batas na ito na “ang estado ay magbibigay ng buong suporta para sa kapakanan ng mga may kapansanan at sa kanilang pakikisalamuha sa lipunan”.

Ang naturang pasilidad ay handa na para sa mga PWD, mahihina nang senior citizen at mga buntis sa iba’t ibang lugar sa kapitolyo kabilang na ang mga palikuran. “We want to make sure that our PWDs can move with ease and feel that they are very much welcome and being properly taken care of,” pahayag ni alvarado na siya ring tagapangulo ng Provincial Council on Disability Affairs (PCDA). Sana tularan ito ng iba pang pamahalaang local sa buong bansa.

***

INCOMPLETE PO KASI, MA’M ● Binato kamakailan ang Department of Education (DepEd) ng sisi mula sa mga pampublikong guro dahil sa pagkaantala ng ng mga ito. kaya may malinaw na paliwanag ang DepEd sa mga paratang: nade-delay umano ang paglalabas ng bonus ng mga teacher dahil sa pahulihuli o kulang-kulang ang pagsusumite ng mga ito ng mga kinakailangang dokumento tulad ng Statement of Assets, Liabilities, and net Worth (SALN). Ito ang paliwanag ni secretary Jesus Mateo sa puna ng alliance of Concerned Teachers at Teachers’ Dignity Coalition hinggil sa hindi paglalabas ng bonus sa mga guro. Gayunman, iniulat din ni Sec. Mateo na may ilang rehiyon na ang nakakukuha ng kanilang bonus. Sa mga panahon ngayon, lalo na kapag nalalapit na ang araw ng paniningil ng mga inaanak ng kani-kanilang aginaldo, natural na iinit ang ulo natin kung saang kamay ng Diyos kukunin ang panustos para roon.
National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza