Disyembre 13, 1950 nang lumabas ang American actor na si James Dean sa commercial ng Pepsi sa United States. Napanood sa nasabing commercial ang noon ay

hindi pa kilalang aktor na sumasabay sa pagsayaw kasama ang iba pang mga kabataan malapit sa isang jukebox, at tumutugtog ng piano. Ito ang unang trabaho ni Dean bilang aktor at tumanggap siya ng $30.

Enero 1951, nagdesisyon si Dean na ipagpaliban ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo, at nagsimula siyang dumalo sa mga drama workshop na pinamunuan ni James Whitmore. Matapos noon ay marami na siyang ginampanang papel.

Taong 1955, naging sikat si Dean para sa teenage revolution. Siya ay lumabas sa pelikulang “Rebel Without A Cause,” kung saan gumanap siya bilang isang palaaway na teenager na kilala bilang Jim Stark.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Setyembre 30, 1955 nang siya ay malalang maaksidente sa daan.