derek ramsay and jennylyn mercado

TINANONG namin si Derek Ramsay tungkol sa lumulutang na isyung babalik siya sa ABS-CBN.

“No, no. I don’t know! My contract with TV5 is going to expire soon, so (kaya) siguro may ganu’n,” katwiran ng aktor.

Okay na ba si Derek at ang ABS-CBN management na napabalita noon na nagalit sa kanya?

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

“Ayokong isipin na galit sila sa akin, gusto kong isipin na it’s a business decision, that’s why they made those decisions that’s the way I wanna look at it. I spent six years in ABS-CBN, I give a lot of credit to them kasi naging Derek Ramsay ako.

“Itinambal ako kay Judy Ann (Santos), they gave me projects left and right, but that’s it. May mga bagay na nangyari, ayokong ilabas. And TV5 is great to me and my contract is coming to an end, but there was going for a negotiation, but nothing set, nothing is on paper,” kuwento ng aktor.

Nagpahayag si Derek na kung sakaling hindi na siya gustong i-renew ay handa siyang iwan ang showbiz at mag-iba ng linya ng trabaho.

“To work with Channel 2 again let’s say a movie with Star Cinema, I’m always open with that, great projects with them, we had successful partnership before, so sana puwede akong gumawa ng pelikula with them,” say ng aktor.

May entry sila ni Jennylyn Mercado sa Metro Manila Film Festival, ang English Only, Please mula sa direksiyon ni Val Villegas under Quantum Films. Napanood na namin ang trailer ng pelikula at sinabi kay Derek na tawa kami nang tawa.

“Yes, the movie is very, very funny, kaya ko palang mag-rom-com (romantic comedy) sa edad kong ito,” natawang sabi ng aktor.

Inamin ni Derek na marami silang kilig moments ni Jennylyn na talagang kinikilig siya at hiyang-hiya siya sa aktres dahil nakailang takes ang kissing scene nila.

“Nakilig sa mga eksena when we shot. I’ve done so many torrid kissing scenes and really romantic, action, okay, tapos na! First kissing scene namin ni Jennylyn dito, ako ‘yung nag-buckle, hindi ko kinaya, pa-cute-cute na parang nakilig ako sa eksena, parang… ano ‘to, teka, time out!

“Sabi ni Direk sa akin, ‘Namumula ka, Derek, namumula ka’. Sabi ko kasi, nakakakilig kasi ‘yung eksena. Nakakadiri... ang cheesy… kasi hindi ako sanay,” natatawang kuwento ng aktor.

Ang layo raw ng pagkakaiba kapag may kissing scene sila nina Anne Curtis at Cristine Reyes dahil ‘pag sinabing ‘action’ na ay good takes lahat.

Kinilig ba siya kay Jennylyn dahil type niya ang aktres?

“She’s wonderful! Sayang showbiz siya,“ mabilis na sagot ni Derek.

Ayaw na raw kasi niyang magkagusto sa taga-showbiz.

“I made a rule, if she wasn’t showbiz, puwede, basta tingnan natin. She’s really a nice girl; and she’s really a big star from GMA. Sobrang comfortable na nga kami with one another na kapag bad mood siya, bad mood talaga siya. Sasabihin niya, you have to stay away, sabi ko, okay dito na lang ako. Hindi siya plastic!” kuwento ng aktor.

Natawa si Derek nang tanungin kung marami bang plastic sa showbiz.

“Ha-ha-ha, napaka-honest kong tao, ‘wag n’yo na akong tanungin kung sinu-sino.”