LA PAZ, Talac— Dalawang matandang babae ang na-confined noong Sabado ng gabi sa PJG General Hospital matapos mahagip ng rumaragasang motorsiklo sa Victoria-La Paz Road, Barangay Balanoy sa La Paz, Tarlac.

Kinilala ni PO1 Alexander Gragasin, may hawak ng kaso, ang mga biktimang sina Pacencia Valdos, 70 at Ambrosia Tabulina, 87, ng Bagong Sikat, Cabanatuan City sa Nueva Ecija kung saan agad tumakas ang suspek.

Base sa isinagawang imbestigasyon, naglalakad ang mga biktima sa Victoria- La Paz Road nang bigla na lamang silang ragasain ng motorsiklo.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20