Sa layuning makatulong sa patuloy na programa sa kalusugan at maitayo ang pinakamalaking ospital sa lalawigan ng Rizal, nag-donate sa pamahalaang panlalawigan ng isa at kalahating ektaryang lupain ang pamilya Duavit sa pangunguna ni dating Assemblyman at Rizal Congressman Dr. Gilberto Bibit Duavit. Ang lupa ay nasa Barangay Darangan, Binangonan, Rizal. Tatawaging Margarito A. Duavit Memorial Hospital at ito’y pamamahalaan ng Rizal Provincial Hospital System. Ang Maragarito A Duavit Memorial Hospital ay pampito na sa lalawigan. Ang itatayong ospital ay may dalawang palapag at floor area na 4,032 square meters. Katabi nito ang gusali ng Diagnostic Center. Ang target date na matatapos ang ospital ay sa Disyembre 2015.

Ginawa ang ground breaking ceremony ng itatayong ospital noong Nobyembre 28. Pinangunahan ito nina Rizal Governor Rebecca Nini Ynares at dating Assemblyman at Rizal Congressman Bibit Duavit Isang simpleng prpgrama ang ginanap baoo ang ground breaking ceremony. Sa bating pagtanggap ni Binangonan Mayor Boyet Ynares, pinasalamatan niya ang pamahalaang panlalawigan ng Rizal at ang pamilya Duavit na ang Binangonanang napiling pagtayuan ng bagong ospital. Sinabi naman ni Rizal Gob. Rebecca Nini Ynares, “napakalaking utang na loob namin sa pamilya Duavit na nag-donate sila ng ganitong kalaking lupa na isa at kalahating ektarya. Matutuloy din ang pangarap namin na makapagtayo ng isa pang ospital na hindi na kami bibili ng lupa sapagkat talagang gusto ng pamahalaang panlalawian na makapagtayo sapagkat dahil sa laki ng populasyon ay kulang ang serbisyo sa kalusugan para sa ating mga mamamayan.”

Sa panunungkulan ni dating Rizal Congressman Bibit Duavit, nagtulong sila ni dating Rizal Gob. Casimiro Ito Ynares Jr. at ng iba pang mga lider sa Rizal na maibangon ang lalawigan alang-alang sa susunod na henerasyon matapos na agawin ang 12 maunlad na bayan sa Rizal at isama sa Metro Manila. Binigyang prioridad sa panunungkulan ang programa sa edukasyon at kalusugan sa lalawigan. Ipinagpatuloy ito ng mga lider ngayon sa Rizal.
Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race