Pinapayuhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang lahat ng taxpayer na kumpletuhin na ang lahat ng transaksiyon bago sumapit ang Huwebes dahil isasara ang computer system ng kawanihan para sa maintenance at upgrading.

Sinabi kahapon ni BIR Commissioner Kim S. Jacinto-Henares na sa Enero 5, 2015 pa magbabalik ang operasyon ng integrated tax system (ITS) matapos na ma-archive na ang lahat ng lumang transaction record hanggang 2007, maliban sa mga tax credit certificate (TCC) at mga tax debit memo (TCM).

Ipinaliwanag ng mga opisyal ng BIR na ang ITS ay hindi mag-off-line kundi magda-“downturn”.

Nangangahulugan ito na hindi magpoproseso ng bagong registration, hindi mag-iisyu ng issuance certificate of registration (COR) at certificates authorizing registration (CAR) at authority to print receipts (ATP).

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Gayunman, accessible pa rin ang ITS sa mga user mula sa malalaking taxpayers office. Ang iba pang user sa national office ay magkakaroon ng query-access sa ITS registration at collection at bank reconciliation systems.

Sinabi naman ni Henares na maaari pa ring magbayad ng buwis sa mga authorized agent bank (AAB), sa electronic filing at sa payment system eFPS at sa mobile revenue collection officer system (MRCOS). Pero ang uploading ng mga datos ay magbabalik sa unang linggo ng 2015.