Susulong ngayon ang inaabangang Philippine International Chess Championships, ang ikalawa sa tatlong internasyonal na chess competition na kukumpleto sa 2014 chess season ng bansa sa Celebrity Sports Plaza sa Quezon City.

Si Senador Aquilino Pimentel Jr., na dating board 1 player ng Ateneo De Manila University (ADMU) chess team, ang guest of honor at speaker sa isasagawang opening ceremony sa ganap na alas-2:00 ng hapon kung saan ay dadalo rin si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Ricardo Garcia at Philippine Olympic Committee (POC) president Jose Cojuangco Jr.

Pangungunahan ng Russian Grandmasters na si Ivan Popov (ELO2622) at Anton Demchenko (2596) ang torneo bilang top 2 seed na kinabibilangan din ng 15 iba pang GMS na asam makuha ang nakatayang US $30,000 na premyo.

Pamumunuan naman ni US-based Catalino Sadorra, ranked No. 3 (ELO2596), ang kampanya ng Pilipinas sa torneong inisponsoran ng PSC kasama ang Celebrtiy Sports Plaza, Puregold, Microtel by Wyndham, Burlington Socks, Asian Union Bank at Harolds Hotel.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Kabilang sa Top 10 sa seeding sina GM Levan Pantsulaia (2583) ng Georgia, GM Avetik Grigoryan (2580) ng Armenia, GM Merab Gagunashvili (2569) ng Georgia, GM Mikhail Mozharov (2557) ng Russia at mga Pilipinong GM na sina Oliver Barbosa (2533) at Rogelio Antonio Jr. (2503).

Ang iba pang Pilipinong kasali ay sina GMs Darwin Laylo (2500), Mark Paragua (2484), Rogelio Barcenilla Jr. (2455), Eugene Torre (2448) at Richard Bitoon (2413).

Kasali rin sa torneo sina Woman International Master Janelle Mae Frayna, Jan Jodilyn Fronda at ang bagong kilala at Woman International Master na si Mikee Suede na sariwa pa sa pagwawagi sa ginanap na 2014 Girls Asian Juniors sa mga babaeng kalahok sa Open division.

Agad susundan ng isa pang torneo na PSC Puregold International Chess Challenge ang torneo na sisimulan naman sa Disyembre 14 kung saan ay nakataya rin ang US$30,000 at premyong US$5,000 sa tatanghaling kampeon.

Kasama rin sa aktibidad si National Chess Federation of the Philippines (NCFP) President at Chairman Prospero Pichay Jr.; FIDE at NCFP secretary general at Cavite Congressman Abraham Tolentino, Vice-president for Visayas Cong. Neri Colmenares at VP for Luzon Atty. Ruel Canobas.