Mga laro ngayon (JCSGO Gym):

12pm -- Jumbo Plastic vs. Racal Motors

2pm -- Bread Story-Lyceum vs. AMA University

4pm -- Cebuana Lhuillier vs. MJM M-Builders-FEU

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Umangat at makapagsolo mula sa kanilang kinalalagyan ang tatangkain ng Jumbo Plastic sa pakikipagtuos nito sa baguhang Racal Motors sa pagpapatuloy ngayong hapon ng 2015 PBA D-League Aspirants Cup sa JCSGO Gym sa Cubao.

Nasa ikatlong puwesto hawak ang barahang 4-1, panalo talo kasunod ng mga namumunong Hapee Toothpaste (5-0) at Cagayan Valley (4-0), magtatangkang kumalas ang Giants sa kanilang pagkakatabla ng Café France sa pagtutunggali nito ng Alibabas na hangad namang makamit ang ikalawang panalo para makaangat sa kinalalagyang buntot ng team standings taglay ang kabaligtarang kartadang 1-4 panalo-talo.

Galing sa back-to-back wins kontra Wangs Basketball at MP Hotel Warriors, hangad ng Giants na maipanalo ang susunod na dalawa pang laban bilang paghahanda sa kanilang nalalapit na pagtutuos ng isa sa mga title contenders na Cagayan Valley Rising Suns.

“We need to win our next two games in preparation to our battle with Cagayan. But we cannot play complacent against these new teams (Racal Motors and AMA University) cause any given time they are capable of pulling an upset,” pahayag ni coach Steve Tiu na tinutukoy ang mga susunod nilang katunggali.

Sa ikalawang laban, parehas namang maghahangad ng kani-kanilang unang back-to-back wins ang mga baguhang koponang Bread Story–Lyceum at AMA University sa kanilang pagtatapat ganap na ika-2 ng hapon kasunod ng unang salpukan sa pagitan ng Jumbo Plastic at Racal Motors sa ika-12 ng tanghali.

Nasa 4-way tie ang dalawang koponan sa ikalimang posisyon taglay ang barahang 2-3, panalo-talo kasalo ng MJM Builders-FEU at Cebuana Lhuillier.

Huling tinalo ng Bread Story ang undermanned roster ng MJM Builders noong nakaraang Nobyembre 24 sa parehas na venue sa iskor na 108-97 habang ginapi naman ng Titans ang Racal Motors, 83-76.

Sa tampok na laban ganap na ika-4 ng hapon, kapwa naman magsisikap na makabangon mula sa natamong huling kabiguan ang magsasagupang Cebuana Lhuillier Gems at MJM Builders.

Mag-uunahan ang dalawang koponan na kumalas mula sa kasalukuyang kinalalagyang pagkakabuhol sa pang-apat na puwesto kasama ng AMA at ng Breadstory.