Dinagdagan ng P500 ang “chalk allowance” ng mga pampublikong guro mula sa dating P1,000 noong nakaraang taon.

Sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto, P500 dagdag ay kumakatawan sa 50% na pagtaas at sa susunod na taon ay madadagdagan pa ito hanggang umabot sa P3,000 ang chalk allowance.

“’Chalk allowance’ is the popular term for the amount given to teachers at the start of the school year for the purchase of chalk, pens, erasers, cartolinas and other school supplies they use in teaching,” pahayag ni Recto.

Sa ulat ng Department of Education (DepEd), may 681,024 publikong guro sa kindergarten, elementarya at high-school ang makatatanggap ng P1500 chalk allowance.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Umabot sa P1.021 bilyon ang budget para sa “Teaching Supplies Allowance,” ngayong 2015.