LIPA CITY, Batangas - May teorya ang pulisya na ang pagiging saksi sa krimen ang dahilan ng pagpatay sa isang pandesal vendor na pinagbabaril habang naglalako sa Lipa City, kahapon ng umaga.

Nahulog mula sa sinasakyang motor at sumambulat ang mga paninda nang wala nang buhay na si Alvin Alvaro, 35, ng Barangay Sabang sa lungsod.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 5:00 ng umaga, naglalako ng pandesal ang biktima sa City Park Subdivision nang pagbabarilin siya.

Si Alvaro ay sinasabing saksi sa pananaksak sa tatlong babaeng estudyante, na dalawa sa mga ito ang nasawi, bagamat agad na naaresto ang nag-iisang suspek.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20