Upang maibsan ang suliranin sa trapiko sa EDSA at mabigyan ng alternatibong transportasyon ang mga mamamayan ngayong Christmas season, pinalawig ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang operasyon ng Pasig Ferry System simula sa unang araw ng Disyembre.

Inihayag ni MMDA Chairman Francis Tolentino na simula sa Disyembre 1, magiging maaga na ang biyahe ng ferry boat sa mga istasyon ng Pasig River Ferry System mula 5:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi bunsod ng inaasahang pagdagsa ng mga mamimili patungong Divisoria.

Ayon pa kay Tolentino, sa Disyembre 16 naman ipatutupad ng MMDA ang operasyon ng ferry system sa 4:00 ng umaga upang bigyang daan ang Simbang Gabi na madaluhan ng publiko na partikular na nagtutungo sa Quiapo Church.

“We are doing this in anticipation of the Christmas rush. I am optimistic this will help ease traffic jams, specifically in areas where shopping malls and bazaars are located,” anang MMDA chief.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Dahil nalalapit na ang Pasko, nagmamadali at maagang namimili ang publiko ng mga pang-regalo at dahil dito, lumolobo ang mga biyahero sa Metro Manila.

Inaabisuhan ang mga motorista na gumamit ng alternatibong mga ruta patungo sa kanilang destinasyon upang makaiwas sa pagkakaantala ng kanilang biyahe.