DUMARAMI ang male at youth viewers na nakatutok sa sports, reality at youth-oriented programs ng TV5, ayon sa 3-year viewership data mula sa Nielsen Media.

Mas malaki ang combined proportion ng male at youth viewers ng TV5 kesa sa ABS-CBN at GMA, at pataas pa ang trend nito mula pa noong 2012. Sa ngayon, ang combined males+youth viewers ng TV5 ay bumubuo sa 77% ng mga manonood nito, kumpara sa 70% ng ABS-CBN at 69% ng GMA.

Ang male-skewed sports and reality programs ng TV5 (kasama ang live telecast ng PBA games, mga boxing at MMA matches at iba pang sports coverages, at pati na rin ang The Amazing Race Philippines Season 2) ay humahatak ng male at young audiences sa TV5.

Markado rin ang pagtaas ng teen viewership ng TV5 mula nang magsimula ang hit primetime mini-series na Wattpad Presents. Ayon sa data ng Nielsen Media Research na nagkumpara sa past 4-week average ng TV5 bago nai-launch ang Wattpad Presents, tumaas ng 31% ang national urban teen absolute viewership ng TV5 sa nasabing timeslot, kumpara sa 3% lamang ng ABS-CBN at -2% ng GMA.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Malakas din ang hatak ng Wattpad Presents at The Amazing Race Philippines Season 2 sa youth segment online, lalo na sa social media na mas active ang mga ito at mas nakakadagdag sa stats ng social media accounts ng TV5. Sa katunayan, parehong nagtala ng 372M impressions sa Twitter ang dalawang programa para sa keywords na “Wattpad Presents” (Source: Sysomos, September 2014) at “AmazingRacePHILIPPINES” (Source: Sysomos, August-November 2014). May 48,041 Twitter mentions mula sa 30,879 Twitter users ang “Wattpad Presents” at nakakuha naman ng total na 111,351 Twitter mentions mula sa 67,017 Twitter users ang “AmazingRacePHILIPPINES” ayon sa nasabing datos.

Very active rin sa Facebook ang young viewers ng TV5, na siyang dahilan ng 3% organic growth ng TV5 Manila Facebook Page fans mula sa 18-24 age group. (Source: Facebook Insights, July to September 2014).

Hango sa mga nabanggit na datos, hindi na maikakaila ang lumalakas na hatak ng TV5 sa male + youth viewers. Dahil dito ay mas may dahilan pa ang network na ipagpatuloy ang “happy” programming nito na kinagigiliwan ng mas dumaraming manonood. Sa paglago ng komunidad ng viewers, fans at followers ng TV5, patunay ito na mas maraming tao ang sumusubok at nagugustuhan ang mga makabagong handog ng Happy Network.