Hindi away-pamilya kundi usapin para sa katarungan ang dahilan kaya nais ni Pangulong Benigno Aquino III na managot ang mga Marcos sa mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao at ill-gotten wealth.
Ito ang nilinaw ng Palasyo kaugnay sa panawagan ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na tuldukan na alitan ng kanyang pamilya at ng mga Aquino.
Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. na sa ginanap na FOCAP forum kamakailan, malinaw ang posisyon ng Pangulo sa pagtanggi nito sa panukalang bigyan ng state honors sa paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos dahil hindi makatarungan na bigyan siya ng parangal dahil sa paghihirap na dinanas ng mga mamamayan bunsod ng martial law.