LIPA CITY, Batangas— Inaresto ng pulisya noong Miyerkules ang isang deputy chief ng tanod na suspek sa panghoholdap sa isang alkalde at asawa nito sa Lipa City.

Ayon kay Senior Supt Omega Jireh Fidel, police provincial director, naaresto ang suspek na si Edmar de Chavez ng Barangay Maraouy sa lungsod.

Ayon sa report, 1:45 p.m. noong Nobyembre 17, sakay ng tricycle sina Biri, Northern Samar Mayor Antonio B. de los Reyes Jr. at asawang si Amelita, isang dentista, patungo sa bahay ng isang kamag-anak nang harangan sila ng isang motorsiklo sakay ang dalawang suspek sa San Nicolas St. Barangay Balintawak.

Pumalag ang tricycle driver na si Eduardo Mersan kaya binaril siya ng isa sa mga suspek at kinuha ang bag ni Dr. Reyes na may lamang P400,000. Isinugod naman sa Lipa Medix Hospital si Mersan.
National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras