Narito ang huling bahagi ng ating paksa tungkol sa pag-aalis ng bad habits, bilang paghahanda sa bagong buhay mong tatahakin sa susunod na taon.

Tandaan: Hindi mo makakamit ang tagumpay kung negative thinker ka. Kapag nagdadahilan ka na lang na hindi ka magtatagumpay sa binabalak mong pagbabago, para ka nang nasa kumunoy at unti-unti kang lumulubog. Habang pumapalag ka, lalong mahirap makaahon sa kumunoy.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Alamin ang iyong progreso. – Kung hindi mo alam ang iyong narating sa pagsisikap mong alisin ang isang bad habit, hindi mo malalaman kung may nangyayari na sa iyong pakay. Hindi mo malalaman kung malapit mo nang maabot ang iyong goal. Gamit ang notepad app ng iyong cellphone (inirerekomenda ko ang Color Note, mada-download nang libre sa Google Play). Isulat mo ang mga mumunti mong tagumpay. Halimbawa: Kung naninigarilyo ka ng limang stick sa isang araw at nagawa mong isa na lang sa isang araw, isulat mo sa iyong notepad. Kung nakatipid ka ng pera dahil hindi mo iyon ginastos sa isang bagay na walang halaga, isulat mo iyon sa iyong notepad, pati na ang halaga na natipid mo. Paminsan-minsan, buksan mo ang iyong notepad upang magkaroon ka ng ganang magpatuloy, ang magtakda ng bagong target at pagsisikap upang makapit ang inaasinta mong goal. Maaari ka ring gumawa ng adjustments kung sa iyong palagay ay nararapat. Sa ganoong paraan iyong malalaman kung nagkakaroon na ng magandang resulta ang iyong pagsisikap na alisin ang iyong bad habits.

Ipagdiwang ang iyong tagumpay. – Matapos mong ilista ang iyong bad habits sa iyong notepad, at sinikap mong isa-isang alisin iyon sa iyong sistema, natuklasan mo na lang na wala na ang iyong bad habits. Sapagkat natamo mo na ang pagbabago, ipagdiwang mo iyon. Nasa iyo na kung paano mo ipagdiriwang ang iyong tagumpay; maaari kang manood ng sine, kumain sa labas, magpa-party kasama ang mga tumulong sa iyong mag-alis ng bad habits. Ang pinakamahalaga ay ang ipagdiwang mo iyon upang malaman ng iba ang ginawa mong pagsisikap upang mabago mo ang iyong sarili. Ngayon, handa ka na sa bago mong pamumuhay sa susunod na taon. Congratulations!