Bibili ng mobile radar equipment o “storm chaser” ang Department of Science and Technology (DoST) upang lalong maging “high-tech” at epektibo ang gobyerno sa weather forecasting, partikular sa pagsubaybay sa mga bagyo.

Paliwanag ni DoST Secretary Mario Montejo, ang nasabing storm chaser ay nakalaan sa mga lugar na madalas na binabayo ng malalakas na bagyo.

Tiwala rin si Montejo na sa pagkakaroon ng naturang equipment ay lalo pang lalawak ang pagkuha ng impormasyon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa mga bagyong pumapasok sa Pilipinas.

Magsisilbi rin aniyang back-up ang nasabing storm chaser sakaling masira ang mga doppler radar kapag tinamaan ang mga ito ng malakas na bagyo.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente