ORLANDO, Fla. (AP)- Nagsalansan si Tobias Harris ng 26 puntos at 10 rebounds upang tulungan ang Orlando Magic sa panalo kontra sa Milwaukee Bucks,101-85, kahapon.

Nagbalik si Victor Oladipo sa lineup ng Orlando kung saan ay napasakamay ng Magic ang kanilang ika-17 sunod na home win laban sa Milwaukee. Nagtala si Oladipo, nagtamo ng facial fracture right bago magsimula ang season, ng 13 puntos sa loob ng 25 minutong paglalaro.

Naglaro laban sa kanyang dating koponan, ibinigay ni Harris sa Orlando ang 84-68 lead mula sa kanyang reverse layup sa nalalabing 10:06 sa orasan.

Lumapit ang Milwaukee sa 7 puntos na pagka-iwan na lamang matapos ang hook shot ni John Henson sa natitirang 6:15 sa korte, ngunit ipininta ng Magic ang sumunod na 7 puntos patungo sa kanilang paglayo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nagposte si Brandon Knight ng 14 sa kanyang 24 puntos sa unang quarter para sa Milwaukee.

NUGGETS 108; PACERS 87

INDIANAPOLIS (AP)- Inasinta ni Ty Lawson ang 11 puntos at 10 assists upang ipagkaloob sa Denver Nuggets ang panalo kontra sa Indiana Pacers, 108-87, at maisakatuparan ang kanilang unang road win sa season.

Nagkaroon ang Denver ng pitong players na nakapagtala ng double figures sa kanilang ikalawang panalo pa lamang sa season. Umiskor si Aaron Afflalo ng 10 sa kanyang 17 puntos sa unang half habang tumapos sina rookie Gary Harris at Wilson Chandler ng tig-13 puntos.

Hinadlangan ng Nuggets ang Pacers sa 34-19 sa second quarter at umungos sa mahigit na 32 puntos. Tinipa ng Denver ang 49 percent sa shooting (43 of 87) mula sa floor.

Wala sa hanay ng Pacers ang tatlo sa kanilang starting five at ilang key reserves. Hindi nakapaglaro sina David West (right ankle), George Hill (left Knee), Paul George (fractured tibia) at C.J. Watson (foot) sa season na ito. Hindi nakita sa aksiyon si Rodney Stuckey (sore foot) sa kanilang laro kahapon habang lumisan si CJ Miles sa laro sa unang quarter sanhi ng tinamong sore right calf.

Ikinasa ni A.J. Price ang 14 puntos sa Indiana, nagkaroon ng 40.5 percent (34 for 84) sa shooting mula sa field. Itinarak naman nina Donald Sloan, Solomon Hill at Lavoy Allen ang tig-12 puntos.

Ibinuslo naman nina Kenneth Faried at Danilo Gallinari ang tig-12 puntos.

TIP-INS

Nuggets: Nagsilbi si coach Brian Shaw bilang assistant sa Indiana sa loob ng dalawang seasons simula noong 2011-2013 at siya’y 2-1 laban sa kanyang dating koponan. ... Naglaro si Harris ng 18 1/2 minutes sa kanyang unang pagsabak sa season. Naglaro ito sa kanyang high school ball sa kalapit na Fishers, Indiana. ... Ang dalawang panalo ng Nuggets ay nagmula laban sa mga koponan sa Central sa Eastern Conference. Ito ay ang Detroit at Indiana.

Pacers: Kinukonsidera si Price na maglaro sa China bago ito pinalagda ng Pacers noong nakaraang linggo. May average ito na 11.4 puntos sa limang mga laro sa Indiana.