Muling sisiyasatin ng awtoridad ang kaso ng mga pulis ng La Loma Police Station na sinasabing sangkot sa hulidap sa EDSA, Mandaluyong City noong Septyembre 1.

Ito’y matapos paboran ng Mandaluyong City Regional Trial Court ang motion for reinvestigation nina Chief Insp. Joseph De Vera at PO2 Jonathan Rodriguez na nahaharap sa kidnapping for ransom at robbery by a band.

Bago nito, iniurong ni Atty. Jason Cantil, counsel nina De Vera at Rodriguez, ang motion to quash na inihain sa sala ni Judge Carlos Valenzuela ng Branch 213.

Itatakda ang susunod na pagdinig matapos ang reinvestigation.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists