Nahaharap sa kasong driving under the influence of liquor ang isang miyembro ng PNP-Highway Patrol Group (HPG) nang banggain ang barrier at isang dump truck sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Sa report na nakarating kay P/Supt. Ely P. Pintang, hepe ng Quezon City District Taffic Enforcement Group (QCDTEG), 10:30 ng gabi nang araruhin ng Toyota Vios (TZ1 – 710 ) ni PO3 Rolando Belen ng PNP–HPG ang concrete barrier sa Commonwealth Avenue sa may Barangay Batasan, Quezon City.

Makaraan ang insidente, basta na lamang iniwan ng pulis ang rumespondeng traffic enforcer na si Edgardo Eugenio pati ang umasisteng MMDA enforcer. Hindi na nagpakita sa Traffic Sector 5 ang akusadong miyembro ng HPG subalit kinasuhan pa rin siya sa Quezon City Prosecutors office.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20