TUMANGGAP ng mga prestihiyosong parangal ang News5 sa 36th Catholic Mass Media Awards (CMMA). Iniuwi ng News and Information Arm ng TV5 ang dalawa sa bigating awards ng gabi para sa mga programang Yaman ng Bayan at Bigtime.

Pinarangalan ng CMMA ang Yaman ng Bayan, ang special 12-part docu-series ng Kapatid Network na tumatalakay at tumututok sa sari-saring likas na yaman ng Pilipinas, bilang Best Adult Educational Program. Ang programang ito ay binuo ng ilan sa mga beterano at pinagkakatiwalaang news anchors ng network, sa pangunguna ng News5 Head na si Luchi Cruz-Valdes kasama sina Erwin Tulfo, Roby Alampay at Paolo Bediones.

Kinilala naman ng CMMA Body of Jurors ang Bigtime dahil sa pagbibigay nito ng pag-asa sa mga manonood. Itinatampok ng programa ang inspiring stories ng mga ordinaryong mamamayan at ang kakaibang storya sa likod ng kani-kanilang tagumpay. Naiuwi nito ang isa pang bigating award ng CMMA bilang Best News Magazine Program ng taon.

Bukod dito, nanalo rin sa 36th CMMA ang isa sa longest-running game shows ng TV5 na Who Wants to be a Millionaire bilang Best Entertainment Program.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente