TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Tinitingnan ng pulisya ang away sa transaksiyon ng ilegal na droga na posibleng motibo sa pagpatay sa limang katao, kabilang ang tatlong babae, sa lungsod na ito, nitong Lunes.

Kinilala ni Tacurong City Police chief Supt. Junny Buenacosa ang mga biktimang sina Rhea Macion, guest relations officer; Regine Dalogdog, 24, kapwa ng General Santos City; Joan Mamon; Manuel Rafael Juan; at Felix Rodripo, pawang residente ng lungsod na ito.

Ang mga biktima, maliban kay Dalogdog, ay natagpuang patay—at pawang binaril nang malapitan sa ulo—sa isang liblib na lugar sa Barangay New Lagao sa siyudad na ito noong Lunes ng umaga.

Sinabi ng pulisya na nasawi si Dalogdog habang ginagamot ang tama ng bala sa batok sa isang ospital sa siyudad na ito. - Joseph Jubelag

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho