LONDON (Reuters) – Naging madali ang pag-abante ni Roger Federer sa ATP World Tour Finals makaraang makuha ang 6-1, 7-6 (0) na panalo laban sa baguhang Canadian na si Milos Raonic sa kanilang opening round-robin match kahapon.
Naging bentahe para sa 33-anyos na Swiss, lumalaban sa kanyang rekord na ika-13 pagkakataon bilang season-ender, ang nerbyos ni Raonic upang ibulsa ang opening set sa loob lamang ng 25 minuto ngunit naging mahirap ang mga bagay-bagay mula roon.
Nag-umpisang makagawa ng damage si Raonic, ang unang Canadian na nagkuwalipika sa torneo, sa pamamagitan ng kanyang booming serves at nagawarin nitong makakuha ng ilang oportunidad para sa break point sa panandaliang pagbaba ng laro ni Federer.
Naisalba ng six-time champion na si Federer ang isang set point para sa 5-6 na bilang bago tuluyang nakalayo sa tiebreak sa pagkalaglag ng kanyang kalaban.
“I was very happy with how I performed. The second set was much tougher. I don’t think he played a great breaker but it was a great one to win,” saad ni Federer.
“It’s a small relief. We have a tough group here so it’s always going to be hard advancing but it brings me a step closer.”