TARLAC CITY - Makararanas ng limang oras na brownout ngayong Nobyembre 8 ang ilang bahagi ng Tarlac.

Sinabi ng Tarlac Electric, Inc. na mawawalan ng kuryente sa mga barangay ng Atioc, Burot, Dela Paz, San Carlos, San Francisco, San Miguel, Sapang Tagalog, Paraiso, Maligaya, Don Benito Que Subdivision, at Villa Lourdes Subdivision mula 7:15 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.

Ang brownout ay bunsod ng re-configuration ng tatlong unit ng primary pole para sa re-routing ng pangunahing distribution lines sa Bgy. Maligaya.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary