Naaresto ng mga elemento ng bagong tatag na QCPD Station Anti–Illegal Drugs Special Operation Task Group (SAIDSOTG) ang isang tulak na pulis sa isang anti–narcotics operation sa Fairview, Quezon City noong Martes ng madaling araw.

Kinilala ni QCPD Director Chief Supt. Joel D. Pagdilao ang suspek na si PO1 Brazil Mujawarin, at ang kasamang sibilyan nito na si Bonifacio Mundalo, 21, kapwa naninirahan sa B71 Yuan St., North Fairview, Quezon City.

Hindi na nakapalag ang mga suspek ganap na 1:00 ng madaling araw nang sorpresahin ng mga elemento ng SAIDSOTG ng Fairview Police Station 5 sa pamumuno ni P/Supt. Dennis De Leon habang naghahatid ng droga sa labas ng 7-11 convenience store sa Barangay North Fairview. Nakuha sa kanila ang dalawang plastic sachet ng shabu at ang Suzuki Raider motorcycle (8959 PR) na ginagamit sa operasyon.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20