HINDI KAKAPUSIN ● Ganito pa lamang, naghahanda na ang ilang lalawigan sa napipintong malawakang brownout sa unang bahagi ng 2015. Hindi nila kakayanin ang malugmok sa dusa, unang-una na ang kanilang mga residente, at ang mga negosyong umaasa sa kuryente. Kaya minarapat ng Clark Development Corporation (CDC) na matayo ng 300 megawatt na planta. Napakahalaga kasi ng Freeport na magtuluy-tuloy ang operasyon upang manatiling matibay ang ekonomiya ng bahaging ito ng bansa. Ayon sa CDC, itatayo ang naturang planta sa bisa ng Build-Operate-Transfer mechanism ng Public-Private Partnership (PPP). Ani CDC President Arthur Tugade, kung tiyak ang supply ng kuryente s Clark, mas magkakaroon ito ng kumpiyansang tumanggap ng karagdagang investors. Magbubukas din ang Golden Infinity na isang planta na gumagawa ng solar panels; at ang Shinoba na nagpoproseso ng waste materials upang maging enerhiya. Hindi lahat ng lalawigan ay may ganitong oportunidad, kaya naman pinagyayaman ng CDC ang kanilang resources.

WALANG PATLANG ● Walang dapat ipangamba ang taumbayan ng Abra sapagkat hindi hihinto ang pulisya sa kanilang tungkuling buwagin ang private armed groups at gun-for-hire syndicates sa naturang lalawigan. Ito ang iniutos ni Police Director General Alan LM Purisima nang bumisita ito kamakailan sa Police Regional Office-Cordillera sa Benguet. Nais ipabatid ni Purisma sa lahat na hindi titigil ang kanyang hanay na matamo ang peace and order sa naturang lalawigan at pananatilihin niya itong ligtas sa lahat ng oras. Naiulat na bumaba crime volume at tumaas naman ang crime solution efficiency ng Cordillera police ngayong taon, na isang indikasyon na masigasig ang mga pulis sa pagpapatupad ng kanilang mandato na tiyakin ang kapayapaan at kaausan sa mga pamayanang kanilang nasasakupan. At intensiyon ng pulisya na gawin itong tuluy-tuloy, walang patlang ang anilang pagmamatyag. Pinuri rin ni Purisma ang pagkakatatag ng Abra Shield sa mga positibong search warrant operation nito kamakailan sa pagkakakumpiska ng mga baril at illegal drugs. Kapuri-puri rin ang Abra Provincial Police Office na nanguna sa may pinakamaraming award mula sa Performance Governance System (PGS) Initiation Stage na isinagawa kamakailan ng Napolcom, local government executives,academe at media mula sa pitong Provincial at City Public Safety Companies at 83 city at municipal police stations sa rehiyon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente