Para sa ligtas na paglalakbay, kailangang turuan ang mga truck driver na magmaneho ng buong ingat at hinahon.
Sinabi ni Bulacan 4th District Rep. Linabelle Ruth R. Villarica na sa ngayon ay hindi kasama ang truck driver education sa mga alituntunin at proseso sa akreditasyon ng mga driving school.
Ayon sa kanya, bagamat ang regulasyon ng mga driving school ay pag-ibayuhin ang edukasyon at kakayahan ng mga driver, kailangang muling turuan ang mga ito tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa pagmamaneho.
“This (House Bill 5107, Professional Truck Driver’s Education Act) will ensure road safety for motorists,” ani Villarica.
“The Land Transportation Office (LTO) is authorized to suspend or revoke any license or certificate issued for the operation of commercial trucks and vehicles for violation of any provision of this Act,” saad sa panukala.