Matinding problema sa pamilya at salapi ang sinasabing dahilan kung bakit nagawa ng isang janitor na magbigti gamit ang isang sweat shirt sa San Andres Bukid, Manila nitong Martes ng hatinggabi.

Ang biktima ay nakilalang si Fernando Fernandez, 40, ng 1237-D Mataas na Lupa, San Andres Bukid.

Sa ulat ng Homicide Section ng Manila Police District (MPD), nabatid na ang bangkay ni Fernandez ay nadiskubre ni Alfredo Delos Santos, 48, janitorial supervisor, dakong 11:00 ng gabi sa loob ng kanilang bahay.

Ayon sa imbestigador na si PO1 Crispino Santos, huling nakitang buhay ni Delos Santos ang biktima dakong 5:00 ng madaling araw bago siya umalis para pumasok sa trabaho.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Gayunman, pagbalik umano niya ng bahay ay napansin niyang patay ang ilaw at nang kumatok siya ay walang sumasagot.

Dahil dito, sumilip umano si Delos Santos sa bintana at doon na niya nakita ang nakabigting biktima.

Hinala ng mga awtoridad na posibleng problema sa pamilya at pera ang dahilan nang pagpapakamatay ng biktima, na noong isang linggo pa umano hindi pumapasok sa trabaho.

Natagpuan rin ng mga awtoridad sa malapit sa biktima ang isang bote ng alak at isang basag na baso.