Oktubre 30, 1961, nang ipakilala ng Soviet Union o mas kilala bilang Union of the Soviet Socialist Republic, ang bagong uri ng nuclear bomb sa mundo. Ang nasabing bomba na tinawag na “Ivan” ay binuo sa loob ng 15 na linggo ng Soviet engineers.
Tinaguriang pinakamalaking bomba sa buong mundo noong panahong iyon, ang bombang gawa ng Soviet Union na 4,000 beses na mas malakas kumpara sa bomba na bumulabog sa Hiroshima, Japan noong 1945 sa naganap na World War II. Ito ang pinakabagong armas sa arsenal ng Soviet sa nasabing panahon.
Ang United Nations, ay isang intergovernmental na organisasyon na nagpapalaganap ng pandaigdigang batas, seguridad, ekonomiya, karapatang pantao at sibil, demokrasya, at umapela sa United States at Soviet Union na itigil ang paligsahan sa armas.