LUSAKA (Reuters)— Namatay si Zambian President Michael Sata sa London, kung saan siya ay ginagamot sa hindi ibinunyag na sakit, iniulat ng tatlong pribadong Zambian media outlet noong Miyerkules.

Ayon sa ulat ng Muzi television station at ng Zambia Reports at Zambian Watchdog websites nakatakdang magpulong ang gabinete ng bansa sa southern Africa.

Ayon sa mga ulat, si Sata ay namatay noong Martes ng gabi sa King Edward VII hospital sa London. Tumangging magkomento ang ospital.

Umalis si Sata, 77, sa Zambia para magpagamot sa ibang bansa noong Oktubre 19 kasama ang kanyang asawa at pamilya, ayon sa maikling pahayag ng gobyerno.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Wala pang opisyal na pahayag ang gobyerno at si acting president Edgar Lungu ang namuno sa mga pagdiriwang noong nakaraang linggo para markahan ang ika-50 anibersaryo ng kalayaan ng bansa mula sa Britain.