NIAMEY (AFP)— Mahigit 1,300 kaso ng cholera ang naitala sa Niger simula nang magsimula ang taon, at 51 na ang namatay, inihayag ng United Nations noong Lunes.
Nitong Setyembre lamang, 38 ang iniulat na kaso ng cholera, ayon sa Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (OCHA) ng UN sa kabiserang Niamey sa kanyang website. Tumaas ang bilang ng mga namatay sa cholera dahil sa mga pagbaha sa Niger simula noong Hunyo.
Patuloy ang pagsusumikap na makontrol ang pagkalat ng sakit na nakaaapekto na sa apat sa walong rehiyon sa Niger.