Ito ang huling bahagi ng ating paksa tungkol sa ilang bagay na natutuhan natin ngunit madalas nating malimutan. Nabatid natin kahapon na kailangang maging mabuti tayo sa pakikitungo sa lahat ng tao, kakilala man natin o hindi; mabuti man sila sa atin o hindi.
Mahirap ang buhay, at lahat tayo may sariling mga issue na hinaharap araw-araw. Kaya huwag na nating husghan ang ating kapwa. Minsan, isang ngiti lang mula sa isang kaibigan o kahit hindi kakilala ay gumagaan na ang ating loob, kahit Sandali Lang.
<
- Magmahal. - Noong mga paslit pa tayo, mga inosente, natural na lamang sa atin ang magmahal. Kasing normal iyon ng ating paghinga - nagmamahal tayo nang buong puso, totoo sa ating damdamin. Ngunit nang tumanda na tayo, tumigas na ang ating puso bubga ng marahas na katorohanan ng buhay sa mundong ito. At ang magmahal ay parang mas guniguni kaysa realidad.
li> Mabuhay sa kasalukuyan. - Maigsi ang buhay. Walang pakinabang ang mamuhay sa nakalipas habang kinalilimutan kung paano mamuhay sa kasalukuyan. Maaaring masyado ka nang nakababad sa pagsisisi dahil sa mga kapalpakan mo sa nakalipas o nababalutan ka na ng mga plano sa hinaharap ngunit nalilimutan mo na naririto ka sa kasalukuyang panahon, ngayon. Ikaw ba ang mister na naghahangad na bigyan ng magandang bahay ang iyong misis ngunit nalilimutang pahalagahan ang kanyang presensiya bilang iyong katuwang sa buhay? Ikaw ba ang ina na nagsisikap araw-araw upang matiyak ang magandang kinabukasan ng iyong anak ngunit nalimutan mong birthday niya ngayon?
Huwag kang magmadali sa buo mong buhay. Hindi ito isang karera. Maghinay-hinay at i-enjoy ang buhay araw-araw.