Cafe France Baker's Yutien Andrada drives and score against Jonathan Belorio during PBA DLeague action at Ynares Pasig, Bakers won 86-59.   Photo by Tony Pionilla

Gaya ng dapat asahan, naikasa ng Cafe France ang kanilang unang tagumpay makaraang ilampaso ang baguhang MP Hotel, 86-59, kahapon sa pagbubukas ng 2014 PBA D-League Aspirants Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Sa kabila ng nasabing malaking panalo, inamin ni coach Egay Macaraya na hindi pa siya kuntento sa laro ng kanyang team.

“Hindi pa ko kuntento sa laro nila, they’re jelling na a liitle bit, but let’s see kapag malakas na ang kalaban. Kasi ‘yung kalaban namin ngayon medyo naninibago pa,” pahayag ni Macaraya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon kay Macaraya, mayroon siyang pitong regular na manlalaro at pitong bagong recrtuits kaya naman hindi pa aniya halos ganoon kabuo ang kanilang teamwork.

“Malalaman iyan kapag malakas na ‘yung kalaban like Hapee,” dagdag pa nito.

Sa ngayon aniya, ang ikinasisiya lamang niya ay ang katotohanan na kahit sino ay maari na niyang hugutin at ipasok sa loob ng court anumang oras.

Nanguna para sa nasabing panalo si dating University of Minnesota standout Maverick Anhamisi at local playmaker na si Alvin Abundo na kapwa umiskor ng tig-11 puntos habang nag-ambag naman sina Jam Cortez at Rodrigue Ebondo ng tig-10 puntos.

Sa kabilang dako, tumapos na top scorer para sa MP Hotel Warriors si Jumabon Bulac na may 9 na puntos.

Una rito, nagkaroon ng isang simpleng opening ceremonies ang liga na tinampukan ng pananalita nina PBA Commissioner Chito Salud at Chairman Pat Gregorio at ng tradisyunal na parada ng mga koponan at maging ng kanilang mga naggagandahang mga musa.

Naging mainit naman ang panimula ng Bakers sa pangunguna ng kanilang Cameroonian center na si Ebondo at Fil-Am guard na si Ahanmisi at maagang nagparamdam ng pagiging isang title contender makaraang agwatan ang baguhang MP Hotel Warriors, 31-9, sa first quarter.

Umabot pa ang nasabing kalamangan hanggang 28 puntos, sa iskor na 44-16, may nalalabi pang 4:42 bago ang halftime.