Magsisimula ngayong Lunes, Oktubre 27, ang dalawang-linggong recess ng Korte Suprema at tatagal ito hanggang Nobyembre 7.

Ang tradisyunal na recess ng kataastaasang hukuman tuwing Todos Los Santos at Araw ng mga Kaluluwa ay tinatawag na decision-writing weeks.

Ang mga sesyon sa tatlong dibisyon at ang full court session ay magpapatuloy sa Nobyembre 10 at 11, ayon sa pagkakasunod.

Bukas naman ang lahat ng tanggapan ng Supreme Court (SC) sa buong dalawang linggong recess. - Rey G. Panaligan
National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'