Isang hindi pa nakikilalang bangkay ng lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan kahapon ng madaling araw, matapos itong itapon sa bakanteng lote sa Malabon City.

Inilarawan ang biktima na nasa edad 40-50, may taas na 4’11”, naka-itim na shorts, sandong dilaw at asul, at may mga tattoo na “Bong March No. 77” sa kaliwang hita, “Caloy Kulto” sa kanang hita, “Bong Battle” sa dibdib, “Mamol at Melvin Samiego” sa kaliwang kamay at “Regan” sa likod. Tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima, na nakatali ang kamay at paa, naka-packing tape ang bibig at isinilid sa plastic garbage bag saka pinagkasya sa maliit na karton.

Kuwento ng mga barangay tanod na sina Oliver Roncales at Jaime De Guzman, namataan pa nila ang isang puting taxi (UWA-365), na huminto at nagtapon ng karton sa nasabing bakanteng lote sa Guava Road sa Barangay Potrero.

Nang siyasatin ay tumambad sa kanila ang bangkay ng lalaki.

National

PISTON, kinondena walang habas na pagtaas ng presyo ng langis

Nagsasagawa na ng followup investigation ang pulisya sa pagkakakilanlan ng biktima.

Naniniwala naman ang Malabon Police na sa ibang lugar pinatay ang lalaki at sadyang itinapon sa nasabing lugar, upang lituhin ang mga imbestigador.