Unti-unti nang naisasaayos ang mga plano para sa ambisyosong pagsasagawa ng isang world-class na training facility matapos magkasundo ang mga opisyal ng sports at Clark International Airport Corporation (CIAC) para sa pagrerenta ng 50-ektaryang lupain sa Clark Field, Pampanga.

Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) executive director Guillermo Iroy Jr. na selyado na ang usapan sa pagitan nina PSC chairman Ricardo Garcia, Philippine Olympic Committee (POC) president Jose Cojuangco at CIAC president Emigdio Tanjuatco Jr. nito lamang nakaraang Miyerkules.

Ang kasunduan ay naselyuhan para sa pagtatayo ng isang makabagong training complex kung saan ang mga national athletes ay sama-samang bibigyan ng tirahan para sa pagsasanay bago sumabak sa mga internasyonal na torneo at malalaking kompetisyon.

“It’s already a done deal,” sinabi ni Iroy na kasama ni Garcia na naginspeksiyon sa lugar noong Martes.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ipinaliwanag pa ni Iroy na inihahanda na nina Garcia at Cojuangco ang kasulatan para sa lease agreement at ang terms of reference na kanilang ipiprisinta kay Tanjuatco, pamangkin naman ng POC chief, sa susunod na linggo.

Sakaling maaprubahan ay maaari nang lagyan ng bakod sa nasabing lugar upang masimulan din ang pagtatayo ng inaasahang pasilidad na isa sa pinakamodernong training centers sa Asya na kumpleto rin sa mga air-condioned, viewing bleachers, high-grade lighting at iba pang stateof- the art equipment.

“They are now in the process of drafting the TOR (terms of reference) and the lease agreement where the POC will pay the government a rental of one peso a year. Once it’s already done, we can now proceed with the construction.”

Gagastusin sa pagtatayo ng pasilidad ang ipinangako ng Olympic Council of Asia na pondong $50,000 bagamat nais pa ni Cojuangco na makakuha ng suporta sa mga pribadong sektor at kaibigan mula sa pulitika at namumuhunan.

“Each venue will have a sponsor,” ayon kay Cojuangco. “And once a venue has been built, we will develop it into a modern viewing center complete with lights, bleachers and other facilities so we can attract organizers of international tournaments.”

Asam naman ng PSC na mailagay ang mahigit na 150 hanggang 200 atleta kung matatapos na agad ang pasilidad para sa paghahanda nila sa 28th Southeast Asian Games sa Singapore sa susunod na taon.