Ginapi ng Mapua, Xavier School at San Benildo ang kanilang mga katunggali upang makalapit sa hangad na quarterfinal berths ng 12th Fr. Martin Division 2 Cup basketball tournament.

Pinataob ng Cardinals, sa pamumuno ni Melvin Raflores, ang Polytechnic University of the Philippines (PUP), 96-59, sa labang idinaos sa St. Placid gym sa San Beda College-Manila campus.

Nanguna naman si Lorenzo Castelltort sa naitalang 90-45 panalo ng San Benildo kontra sa Lyceum University sa junior division.

Namuno naman si Tyler Tio para sa Xavier School kung saan ay dinispatsa nila ang Adamson, 69-51, sa larong idinaos sa Far Eastern University (FEU) gym sa Morayta.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Nagposte si Raflores ng 13 puntos para iangat ang Cardinals sa barahang, 4-1, at manatiling nasa kontensiyon para sa dalawang quarterfinal seats sa Group B.

Umiskor naman si Castelltort ng 16 puntos para sa San Benildo na nanatili namang nangunguna sa Group A sa juniors division.

Namumuno naman ang Xavier School Stallions sa Group B matapos umangat sa 5-1 kartada.

Sa iba pang laban, tinapos naman ng San Beda A ang kanilang elimination round campaign sa pamamagitan ng 77-73 panalo sa overtime kontra sa St. Benilde para sa kanilang ikaanim na panalo sa loob ng pitong laro.