MARIAN Rivera

IPINALINAW namin ang dalawang issues, na mukhang wala namang batayan, tungkol kay Marian Rivera.

Una, nag-away daw sila ni Direk Louie Ignacio kaya natanggal ito sa pagdidirek ng primetime dance show na Marian. Una na naming naitanong ito noon pa kay Direk Louie kung bakit after one season ay pinalitan siya ni Direk Mark Reyes sa Marian.

"Talagang one season lang ang alam namin sa Marian, pero nakakatuwa na nagustuhan ito ng televiewers kaya nag-extend ng another season," kuwento sa amin ni Direk Louie. "At nalaman ko nga na hindi pala muna ito tatapusin at hanggang kaya niAte Ganda, (tawag niya kay Marian) na mag-taping, itutuloy pa ito. Pero hindi ko na p'wedeng ituloy ang pagdidirek dahil marami na akong ibang raket. Ako ang magdidirek ng Miss World Philippines (na katatapos pa lang) at ilang araw kaming nag-stay sa Caramoan sa Bico!, dahil doon na namin nai-tape ang ilang segments ng show.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

"Ako rin muna ang gumawa ng teasers ng Bet ng Bayan sa iba't ibang lugar during the auditions. Mahal na mahal ko si Ate Ganda at wala kaming pag-aawayan dahil napakabait niyang tao, napaka-sweet. Basta may taping siya ng Marian, kung wala akong ginagawa, dumadalaw ako sa Studio 7. Noong Naked Truth ng Bench, humingi ako ng tickets at binigyan niya ako. Sa ngayon, busy ako sa pagdi-direk ng indie film na tungkol sa Child Haus ni Mader Ricky Reyes dahil ipalalabas ito sa November, bago ang Metro Manila Film Festival. Ayaw ko namang patayin ang sarili ko kung lahat ng trabaho, tatanggapin ko," biro pa ni Direk Louie.

"At siguro naman, isa pang patunay na wala kaming gap ni Ate Ganda, ako ang magdidirek ng Kapusong Pinoy Sa Dubai, ang Pinoy TV Concert sa Philippine Pavillion, sa Global Village Emirates Road, Dubai, UAE, nila ni Kuya Dong (Dingdong Santes) at Julie Ann San Jose. Sa November 7 pa ang concert pero pupunta na kami roon sa November 5 at after the concert, two days pa kami roon bago bumalik ng Pilipinas."

Ikinagulat din ng GMA Corporate Communications ang issue na pinagalitan daw ng executives ng GMA Network ang mga paglalaban daw nina Marian at Heart Evangelista sa paglalabas nila ng balita tungkol sa kanilang wedding preparations.

Biro nga ng isang staff na nakausap namin, gustung-gusto iyon ng GMA dahil free publicity na sila at hindi na nila kailangang gumawa ng publicity para pag-uusapan ang royal wedding nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na malapit-lapit na rin, sa December 30, 2014, sa Cathedral of Immaculate Conception in Cubao, Quezon City. Ang kasal nina Sen. Chiz Escudero at Heart ay sa February 15, 2015 naman.

Ang pinakahihintay na balita ng DongYan fans ay ang complete list ng mga primary and secondary wedding sponsors nila, ang list ng fans na personal nilang iimbitahan at kung saan ang wedding reception.