Ang salitang ‘kahanga-hanga’ ay madalas mo nang marinig upang ilarawan ang pagpapakitang gilas ng mga atleta, coach, mga propesor o guro, mga singer, mga cook, at kahit na ang ating mga kaibigan at mga kapatid at mga magulang. Naririnig mo rin ang salitang iyon sa paglalarawan ng galing ng aso, pusa, isda o ng mga nobela, palabas sa sine, o sa pagtuklas ng lunas para sa malalang sakit. Para sa akin, wala namang masama ang paggamit ng ‘kahanga-hanga’ sa ganitong paraan ng paglalarawan. Ngunit kung pupunta ka sa Casagwa Ruins sa Albay at tatanawin mo ang bulkang Mayon, o sa tuktok ng isang bundok sa Baguio at nanamnamin mo ang malamig at sariwang hangin doon, masasabi mo nga na ito ay kahanga-hanga.

Iyon ang naramdaman ko nang magkaroon ako ng pagkakataong bisitahin ang mga lugar na iyon sa aking mandatory leave na limang araw. Gayong napakaganda nga talaga ng mga tanawain sa Albay at Baguio, ang aking paghanga ay higit nakatuon sa Diyos kaysa sa kagandahan ng kalikasan. Parang nararamdaman ko ang presensiya ng Diyos sa mga lugar na iyon – ang Diyos na lumikha ng kahanga-hangang tanawing iyon. Sinasabi ko sa aking sarili sa mga panahong iyon na isang kahanga-hanga lamang iyon sa isang maliit na planetang ito sa kalawakan na kinabibilangan ng bilyun-bilyong planeta at bituin at mga distansiyang nasusukat lamang sa milyun-milyong light-years. Kahanga-hanga talaga ang Diyos!

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang pakiramdam ng paghanga ay mainam sa kalusugan at dapat mapuno tayo ng takot, pasasalamat, at pag-ibig. Takot, dahil hindi dapat minamaliit ang kakayahan ng Diyos. Pasasalamat, dahil nagpakababa siya upang maabot tayo, upang iligtas tayo sa kasalanan. Pag-ibig, dahil una Niya tayong minahal, hinayaan Niya tayong mahalin Siya.

Sa titik ni Eduardo Hontiveros, SJ, maaari nating idalangin ang bahagi ng kanyang awitin: Panginoong Diyos... Kahanga-hanga ang iyong pangalan, O Panginoon ng sangkalupaan. Ipinagbunyi mo ang iyong kamahalalan sa buong kalangitan... Ipinagbubunyi ‘yong pangalan ng mga ibong lumilipad. Pinahahayag ng kabundukan Ikaw ang Poon ng lahat. - VVP