CAMILING, Tarlac - Isang driver at conductor ng mini-bus ang nakaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 7610 (Anti-Child Abuse Law) sa pag-bully sa dalawang high school student sa loob ng nasabing behikulo sa highway ng Barangay Surgui 3rd, Camiling, Tarlac.

Kinasuhan sina Joel Reyes, driver; at Isagani Ramales, konduktor, kapwa residente ng Bgy. Malacampa, Camiling.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Alyn Pellogo, ang mga biktima ay kapwa lalaki, isang 15-anyos at isang 19-anyos, parehong 4th year student ng Malacampa High School.

Bandang 4:30 ng hapon, sakay ang mga biktima sa bus at binabaybay ang Bgy. Sinulatan 1st sa Camiling, nang direktang inakusahan ni Ramales na sinulatan ng binatilyo ng pentel pen ang kinauupuan nito at hindi pinababa ang dalawa hanggang hindi nililinis ang umano’y sinulat.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Pagsapit sa isang gasolinahan sa Barangay Surgui 3rd ay kinumpiska umano ng konduktor ang school ID ng binatilyo, kaya hindi na ito nakapasok sa eskuwela.