Umaabot sa 34 na barangay ang apektado ng pagbaha dahil sa malakas na ulan sa lalawigan ng Capiz.

Sa pinakahuling ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), kabilang sa mga binaha ang 17 barangay sa bayan ng Mambusao, 11 sa Sigma, apat sa Sapian, isa sa Ivisan at isa sa Roxas City.

Maraming pananim na palay ang binaha rin at hindi maraanan ang bayan ng Sigma dahil mataas pa rin ang tubig sa lugar.

Inalerto ni Governor Victor Tanco Sr. ang lahat ng kaukulang ahensiya ng gobyerno para sa agarang pag-rescue sa mga apektadong residente sakaling magpapatuloy ang ulan at pagtaas ng tubig.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Siniguro ng gobernador na may nakahandang 400 sako ng bigas at relief goods para sa mga residenteng mapipilitang lumikas sa mga inihandang evacuation center.

Nakaantabay pa rin ang Philippine National Police (PNP), Philippine Coastguard (PCG), 3rd Infantry Division ng Philippine Army (PA), Capiz Emergency Response Team (CERT), Bureau of Fire Protection (BFP), PDRRMC at ang iba’t ibang Municipal Disaster Risk Reduction Office (MDRRMO) para sa emergency rescue.