Mga laro sa Miyerkules (Cuneta Astrodome):

2pm -- Cignal vs Mane ‘N Tail (W)

4pm -- RC Cola-Air Force vs Foton (W)

6pm -- Cignal vs Bench (M)

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Agad nagpamalas ng matinding laro ang dating mga nasa hulihang puwesto na Cignal HD Spikers at Petron Blaze Spikers sa pagtatala ng dominanteng unang panalo upang ihayag ang kani-kanilang mensahe sa pagbubukas ng hitik sa paluan na 2014 Philippine Super Liga Grand Prix, handog ng Asics, sa Araneta Coliseum.

Winalis ng 2013 back-to-back runner-up na Cignal sa loob ng tatlong set ang 2014 All-Filipino Cup runner-up na RC Cola Air Force Raiders, 25-17,

25-23 at 25-23 habang nag-init ang tambutso ng Petron Blaze Spikers upang iwanan ang nagmana sa pagtatanggol sa korona na Generika Life Savers, 26-24, 25-18, 23-25 at 25-23.

Bagaman nagkandahirap ang mga manunulat sa pagpapadala ng kanilang mga istorya bunga ng sobrang kahinaan sa makabagong teknolohiya at modernong siyensiya sa pinagganapang lugar na Araneta Coliseum, nagbabadya naman ang pagkauhaw ng dalawang koponan na masungkit ang korona.

Ito ay matapos ipakita ng nagtatangkaran na sina 6-foot-4 Alaina Bergsma at 6-foot-2 na si Dindin Santiago ang tulis ng kanilang mga palo upang makisalo sa pagkapit sa liderato ng prestihiyosong inter-club tournament na inorganisa ng Sports Core kasama ang Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Jinling Sports at LGR.

“Marami pa kaming hindi nagawa sa plays namin kasi nawala ang reception at depensa backcourt. But overall, masaya kami dahil nakita namin ang totoong potensiyal ng team na kahit iyong mga locals namin ay nagagawa na ngayon makaiskor,” sabi ni Petron Blaze coach George Pascua.

Bahagya lamang nahintakutan ang Blaze Spikers matapos na maagaw ng Life Savers ang ikatlong set matapos na magtulong-tulong ang All-Filipino crew nito na sina Abby Marano, Stephanie Mercado, Michelle Gumabao, Melissa Gohing at Micmic Laborte.

Gayunman, muling umatake ang 2012 Miss Teen USA Oregon na si Bergsma at Santiago upang agad kontrolin ang ikaapat na set tungo sa pagbitbit sa Blaze Spikers sa panalo sa pagtala ng team high na 23 puntos at 22 puntos.

“They made a solid defensive effort,” ayon Pascua. “I used Alaina’s skills to the limit. She was my main attacker whenever she’s up front. She also defended well whenever she’s in the backline.”

Impresido rin ang kapareha ni Bergsma na si Erica Adachi mula Brazil sa pagtatala nito sa 47 mula sa nakumpleto ng Petron na 49 excellent sets.

Nagpamalas din ng matinding kalidad ang seasoned campaigner sa European circuit at namuno sa Texas A&M sa panalo sa NCAA national championship noong 2009 na import ng Cignal na si Sarah Ammerman upang igiya ang HD Spikers sa pakikisalo sa liderato.

Ang 6-foot-3 na si Ammerman ay nagtala ng 15 hits, dalawang service ace at isang block upang tumapos na may 18 putnos habang ang kapares nitong si Lindsay Stalzer ay mayroon naman 15 puntos. Nag-ambag din si Abigail Praca ng 11 para sa HD Spikers na asam na tuluyang makasungkit ng korona matapos na mawala ang tatlong beses na tinanghal na kampeong Army Lady Troopers.