Kasalukuyang nagsasagawa ng survey ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) kung sino ang nararapat na pumalit kay Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes at sa dalawa pang commissioner ng ahensiya.

Ang online survey ay kaugnay ng nakatakdang pagreretiro ng tatlong opisyal ng Comelec sa Pebrero 2, 2015.

“We are convening a search committee in the next few weeks. Survey is one way to make nomination more inclusive,” ayon kay Eric Alvia, secretary general ng NAMFREL.

Noong 2010, nagsagawa rin ang poll watchdog ng katulad na survey bilang preparasyon sa pagreretiro ni noo’y Comelec Chairman Jose Melo at dalawa pang commissioner.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kabilang sa magreretirong Comelec commissioner sina Lucenito Tagle at Elias Yusoph, na kapwa itinalaga ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa puwesto.

Nanawagan si Alvia sa publiko na makibahagi sa survey, na magtatapos sa Nobyembre 2014, sa pamamagitan ng kanilang website www.namfrel.gov.ph.

Ayon sa grupo, kasalukuyang nangunguna si Justice Secretary Leila de Lima bilang pinakamatunog na susunod na Comelec chairman. - Leslie Ann G. Aquino