Ni FER TABOY at FREDDIE LAZARO

Apat na magkakamag-anak, kabilang ang isang 90-anyos na babae at dalawang bata, ang namatay makaraang masunog ang kanilang bahay sa Barangay 1 sa San Nicolas, Ilocos Norte, kahapon ng hating gabi.

Halos hindi makilala ang magaama na magkakayakap nang natagpuan ang mga bangkay sa loob ng kanilang bahay.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang si Rosalina Capalungan, 90; anak niyang Inocencio Capalungan, 68; at mga anak ng huli na sina BJ Capalungan, limang taong gulang; at Wince Capalungan, 10, pawang ng Bgy. 1, San Nicolas, Ilocos Norte.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Ilocos Norte, nagsimula ang sunog sa isa umanong napabayaang kandila sa silid ng matanda.

Pinaniniwalaang tinangka ng mag-aama na lumabas sa kanilang silid ngunit hindi na nila nagawa dahil sa sa sobrang lakas ng apoy.