Vienna (AFP)– Inamin ni Andy Murray noong Miyerkules na handa siya para sa lahat ng mga posibilidad habang mas papainit ang karera para sa huling spots sa World Tour Finals sa natitirang tatlong linggo ng season.

“It (making the eight-man championships in London) is a goal for every player at the start of the year,” sinabi ng 2013 Wimbledon champion na maglalaro ngayong araw sa second round ng Austrian Open kontra sa Canadian na si Vasek Pospisil.

“There are a lot of seeding advantages with being in the top eight. I will be trying my best to make it to London over the next two or three events.”

“I hope I get there, but there are strong players competing for the same places. I’ve got to play well this week if I’m to try and win the title.”

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

“I’m not under pressure. I’d like to get there. But if not, then it’s just not to be. If I don’t qualify, I don’t deserve it.”

Si Murray ay provisional tenth sa puntos, isang puwesto sa likuran ni Vienna top seed at kapwa year-end rival na si David Ferrer.

Sina Novak Djokovic, Roger Federer, Rafael Nadal at Stan Wawrinka ay pawang nakuwalipika na.

Isa sa apat na natitirang puwesto ay awtomatikong mapupunta kay US Open winner Marin Cilic (provisional sixth), nag-iwan sa tatlong iba na paglalabanan nina Ferrer, Murray, Moscow top seed Milos Raonic, Tomas Berdych at Kei Nishikori.

Inulit ni Murray ang kanyang pagbatikos noong nakaraang linggo na ang rule na awtomatikong nagdadala sa isang Grand Slam winner sa London field ay may hindi magandang epekto sa ATP.

“It reduces the value of the ATP (to favour a winner of a rival ITF event). That’s not a criticism, it’s reality,” sabi ni Murray, na nakopo ang titulo sa Shenzhen noong nakaraang buwan.

“From my point of view it’s fine, I’m not against a Grand Slam champion getting in. But from the ATP point of view, the event loses a bit of value.”

“I’m fine with things the way they are.”

Sa first round match na inabot ng mahigit dalawang oras upang makumpleto, nakausad ang German na si Tobias Kamke upang hamunin si Ferrer nang kanyang talunin si Simone Bolelli ng Italy, 3-6, 6-3, 6-4.

Tinapos naman ng fifth seed na si Lukas Rosol ang kanyang six-match losing streak nang manalo kontra sa Slovak na si Lukas Lacko, 6-2, 6-4.

Nanalo si Rosol noong Agosto nang kanyang masungkit ang Winston-Salem title.

Umabante si Sergiy Stakhovsky sa pagkakapanalo niya kontra Miloslav Mecir, 6-2, 4-6, 6-3.

Sa second round, tinalo ng fourth seed na si Philipps Kohlschreiber si Carlo Berlocq, 3-6, 6-1, 6-4. Nagpakawala naman ang sixth seed na si Ivo Karlovic ng 21 aces upang magapi ang Austrian na si Jurgen Melzer, 6-4, 7-6 (7/1).