Direk-Gina-Alajar-with-the-newest-child-actors-of-Yagit-copy-550x337

PREMIERE telecast na ngayong araw sa Afternoon Prime ng GMA Network ang remake ng well-loved drama series na Yagit pagkatapos ng The Half Sisters.  

Binuo nina Eddie Ilarde at Jose Miranda Cruz ang Yagit na naging household name noong 80s, at ngayon ay ipinagmamalaki ng GMA-7 ang pinakabagong child wonders na sina Chlaui Malayao, Zymic Jaranilla, Judie dela Cruz, Jemwell Ventinilla para gumanap bilang mga bagong Eliza, Ding, Jocelyn, Tomtom, ayon sa pagkakasunod.

Makakasama nila sila Yasmien Kurdi bilang mapagmahal at matiising ina ni Eliza na si Dolores Macabuhay, galing sa mahirap na pamilya na napilitang mamasukan bilang GRO; James Blanco bilang Victor Guison, ang mayaman at mabait na ama ni Eliza; LJ Reyes bilang Flora Fabro, ang madrasta nina Jocelyn at Tomtom, na pera ang pinakamahalaga sa lahat; Renz Fernandez bilang Roman Guevarra, ang butihing alagad ng batas; Kevin Santos bilang Kardo Macabuhay, ang kapatid na laging nakadepende kay Dolores at ama nina Jocelyn at Tomtom; at Wowie de Guzman bilang Chito Asuncion, ang mapaghiganting ex-boyfriend ni Dolores.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

 

Kasama rin sa cast sina Rich Asuncion, Frank Magalona, Ina Feleo, Maricris Garcia, at Raquel Villavicencio bilang Donya Claudia, ang mapanghusgang ina ni Victor.

Mula sa creative direction ni Jun Lana, ang Yagit ay mula sa direksiyon ni Gina Alajar.