Nasawi ang isang dalawang taong gulang na lalaki, habang nasugatan naman sa mukha ang kanyang ina matapos silang barilin ng lasing na haligi ng kanilang tahanan sa Bacolod City.

Sa ulat ng Bacolod City Police Office, lasing at nagwawala sa kanilang bahay sa Barangay Bata ang suspek kaya nagpasya ang ginang na umalis ng bahay kasama ang anak pero hinabol sila ng suspek.

Pinakiusapan nitong bumalik ang mag-ina at nang tumanggi ang misis ay binaril ito ng suspek; tinamaan sa dibdib ang bata habang nasugatan naman sa mukha ang ginang.

Nakatakas ang suspek.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20