Pinagtibay ng Court of Appeals (CA) Special 12th Division ang desisyon ng Tanggapan ng Ombudsman na nag-utos ng pagsibak sa serbisyo kay Professional Regulation Commission (PRC) Commissioner Alfredo Po.

Sa desisyon ng Ombudsman noong Mayo 16, 2013, pinatawan ng guilty si Po sa kasong administratibo, grave misconduct at paglabag sa Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees. Iniutos ng Ombudsman ang pagbawi sa kanyang benepisyo at hindi na rin siya maaaring magtrabaho sa alinmang tanggapan ng gobyerno.

Nag-ugat ang kaso laban kay Po sa reklamo ni Ernesto de los Santos, may-ari ng inuupahang gusali ng PRC sa Baguio City.

Ayon kay de Los Santos, hiningan siya ni Po ng buwanang komisyon na P42,800 para sa upa sa gusali kapalit ng pagkolekta niya ng tseke para sa bayad sa security deposit ng PRC. Bukod dito, humingi rin si Po ng P394,000 bilang broker’s commission at nagbanta pa na hindi ilalabas ang kanyang tseke.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa desisyon ng CA na sinulat ni Associate Justice Carmelita Salandanan-Manahan, kapos sa merito ang mga inilahad na argumento ni Po sa kanyang petisyon. Kumbinsido ang Appellate Court na nakagawa si Po ng grave misconduct at paglabag sa RA 6713 nang gamitin niya ang kanyang posisyon para sa personal na kapakanan at tiwaling motibo.