Don Don Bus Liner Accident

Sinuspinde ng gobyerno ang mga operator ng mga provincial bus na nasangkot kamakailan sa mga aksidente at ikinamatay ng ilang pasahero.

Ibinaba ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 30-araw na preventive suspension order laban sa Dominion Bus Lines at Don Don Liner Bus, ayon kay Executive Director Atty. Roberto Cabrera.

Matatandaang nabangga ng Dominion bus ang isang bus ng Victory Liner at isang delivery truck habang binabagtas ang North Luzon Avenue sa Apalit, Pampanga noong Oktubre 3.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Agad na namatay ang konduktor na si Quelvin Pugal, habang anim na iba pa ang nasugatan.

Isang buntis na guro at tatlong magkakapatid na paslit naman ang nasawi nang tumagilid ang isang Don Don Liner Bus sa Daraga, Albay. - Kris Bayos