Patay ang isang electrician na pinagtulungang tagain ng dalawa nitong kasamahan na nainggit sa galing niya sa pag-awit, sa Valenzuela City, kamalawa ng gabi.

Dead on the spot ang biktimang si Felix Saveron, 38, ng Block 38, Dagat-Dagatan, Caloocan City.

Nadakip ang isa sa mga suspek na si Jovani Flora, 28, binata, stay-in construction worker sa La Bueno Fortuna Marketing sa Tatalon Street, Barangay Ugong, Valenzuela City. Habang wanted ang isa pang nakatakas na suspek na si Reggie La Buevo.

Ayon sa report, bandang alas 6:00 ng gabi, nag-iinuman sa isang videoke bar sa Tatalon Street, Barangay Ugong ang mga suspek at ang biktima. Umawit si Saveron na nasa tono ang boses na ikinainggit ni La Buevo, at kinompronta siya. Lumabas ng videoke bar ang biktima pero sinundan ito ng dalawang suspek.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20