DINGDONG Dantes

MASAYA at ‘mainit’ ang dinner/stag party na nagsilbing send-off bachelor’s party for Dingdong Dantes with the entertainment press na ibinigay ng GMA-7 at ng PPL Management ni Perry Lansigan sa malapit nang ikasal na Kapuso Primetime King kay Marian Rivera, sa Cerchio last Monday evening.

Lalong pinasaya ang gabi ng parlor games na ‘Bring Me’ (mga bagay na may kinalaman kay Dingdong simula pa noong bata pa hanggang sa maging artista na siya), ‘Tell Me’ (events sa buhay niya). Since kababalik lang ni Dingdong from a business trip sa Germany (binigyan din siya ng stag party doon ng close friends and cousins niya), nagkaroon din ng beer drinking contest. May naughty version din ng Pinoy Henyo tungkol sa grooms at wedding nights. Lahat ng sumali ay nag-uwi ng cash prizes.

“The press has always been important to me,” sabi ni Dingdong. “For several years now, I’ve been hosting Christmas parties just for you. I told you that when we’ve set our wedding date ni Marian, you’ll be the first to know and we did that. I personally want to thank all the press for you have been with me since the start of my career and when I met my bride. Now is my last time to celebrate with you as a single man. The next time we celebrate, I will already have a wife. I will see you all at the wedding,” sabi ni Dingdong pagkatapos ng parlor games.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Hindi pumayag na walang interview kay Dingdong ang reporters na gustong makakuha ng updates tungkol sa wedding nila ni Marian. Pinuntahan na nga ba nila ang ilan pa nilang principal sponsors?

“Hindi pa namin masabi lahat ng mga sponsors namin, pero kanina, pinuntahan ko si Yan sa shooting nila ni Bossing Vic (Sotto) ng My Big Bossing Adventure at kinausap namin si Bossing kung puwedeng magninong siya sa kasal at masaya kami dahil pumayag siyang maging ninong namin ni Yan.”

Excited na si Dingdong sa wedding.

“Opo, sobrang excited, more than 100 percent, hindi ko ma-explain ang feeling, kahit kami pagod at busy ni Yan sa pag-aasikaso, masaya kami. May nagtanong nga sa akin kung iiyak daw ba ako dahil umiiyak din daw ang mga lalaki kapag kinasal. Sabi ko, hindi ko alam dahil first time ko pa lang, ha-ha-ha! Pero siguro poise lang!”

Saan ang honeymoon nila?

“Pinag-uusapan pa lang namin kung saan dahil maraming nagbibigay ng honeymoon gift packages. But since darating ang papa ni Yan (si Sr. Franco Gracia Alonso, mula sa Spain), baka iyon na rin ang maging honeymoon namin dahil gusto niyang makita ang kagandahan ng Pilipinas. Kaya baka kinabukasan after the wedding, ililibot namin siya sa magagandang isla sa Pilipinas. After na lang siguro kami magbibigay ng oras para sa aming dalawa lang. Una pa rin naming concern ni Yan, hindi lang ang sarili namin kundi ang aming pamilya.”

Hindi na kami magtataka kung isasama nina Dingdong at Marian ang ibang miyembro ng pamilya nila sa island hopping na ito.

Kahit holiday ang araw ng kasal nila, tiyak na maraming dadalo, may security measures na ba siya para maging maayos ang lahat?

“Nakipag-usap na ako sa chief of staff ni Quezon City Mayor Herbert Bautista para sa security. Sinisiguro naming magiging safe ang lahat ng mga taong dadalo sa aming kasal. As to our reception, kinakausap pa namin ang may-ari ng venue, kailangan kasi naming malaki ang lugar na kasya ang one thousand guests namin.”

Ang kaibigang designer na si Randy Ortiz ang gagawa ng wedding suit ni Dingdong at ang international designer na si Michael Cinco naman ang gagawa ng wedding gown ni Marian. Ang gown na isusuot niya sa reception ay gagawin naman ni Francis Libiran. May isa pang sorpresang gown na isusuot si Marian pero ayaw pang ipaalam ng aktres kung sino naman ang gagawa.

Tiyak na marami pang updates sina Dingdong at Marian bago dumating ang wedding nila sa December 30.

Samantala, pupunta silang dalawa, kasama si Julie Ann San Jose, sa “Kapusong Pinoy Sa Dubai” concert sa Philippine Pavilion, Global Village, Emirates Road, Dubai, UAE sa November 7, 2014. Tuloy pa rin ang work nila, natapos na ni Dingdong ang shooting ng filmfest entry niyang Kubot: The Aswang Chronicles 2, pinaghahandaan na rin niya ang nalalapit na muling pagbubukas ng StarStruck VI. May advanced tapings na si Marian ng dance show niya para pagdating ng December ay libre na siya at makapag-focus na lamang siya sa kasal nila ni Dingdong.